Friday, September 12, 2008

Mahal, Paalam Na - 1996

Ilang sandali na lang na sabihin kong mahal kita
At ilang araw na lang ang hihintayin ko sinta
Alam kong alam mo na minamahal kita
Subalit nalaman kong may mahal ka nang iba.

Maraming pagsubok sa atin ay nagdaan
Problema sa buhay ating nakayanan
Pagkat Diyos natin tayo'y tinulungan
Dahil sa Kanyang awa at kahabagan.

Di ko malilimutan ating nakaraan
Ang tamis at saya ng ating lambingan
Ikaw at ako di ba't nagsumpaan
Sa harap ng Diyos tayo'y magmamahalan.

Bakit ngayon ugali mo ay nag-iba
Ano bang kasalanan ang aking nagawa
Sabihin sa akin ng aking malaman
At ng sa ganon aking maunawaan.

Kaya aking mahal paalam na sa iyo
Hwag kang mag-alala di ako magbabago
Dahil ikaw lang ang laman ng isipan ko
Pag aking nakikita ang gandang larawan mo.

Sana'y mabasa mo ang munting tula ko
Na inialay ko sa iyo O giliw ko
At nang sa gayon ay malaman mo
Na ikaw pa rin ang tibok ng puso ko.

Gosh! corny, di ko na ito feel ngayon... 2008...

No comments: